KIM ATIENZA NOT AFRAID TO DIE: "ALAM KONG PUPUNTA AKO SA LANGIT."

Hindi na raw takot sa kamatayan ang Kapuso TV host na si Kim Atienza.

Alam din daw niyang sa langit siya mapupunta.

"Hindi na ako takot mamatay... I can die today.  

"Kasi alam ko kung saan ako pupunta. Alam kong pupunta ako sa langit.

"Because I have accepted Jesus Christ as Lord and Savior and repented for my sins," pahayag ni Kuya Kim sa panayam niya kay Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes, March 30, 2023.

Paglilinaw ni Kuya Kim, nagkakasala pa rin naman siya araw-araw, maging ang lahat ng tao, pero pinagsisihan daw niya ito.

"I still sin. All have sinned and fell short of His glory. I still sin. But I repented all of that."

Pero naniniwala si Kuya Kim na sa langit ang punta niya dahil na rin sa kanyang pananampalataya.

Saad niya, "Sigurado ako pupunta ako sa langit. Not because of my doing, not because of my works.

"Because I have faith in Him, and because He died on the cross for me."

Matatandaang dalawang near-death experiences ang naranasan ni Kim sa kanyang buhay.

Una noong 2010 kung saan siya dumanas ng mild stroke.

Read: Kim Atienza "recovering well" after suffering a mild stroke

Noong 2013 naman, dinapuan siya ng life-threatening rare disease na Guillain-Barre Syndrome (GBS).

Ayon sa MayoClinic.org, ang GBS ay "rare disorder in which your body's immune system attacks your nerves."

Read: Kim Atienza remains unfazed by rare disease afflicting him

Pag-alala pa niya, "I was so weak, I was paralyzed. I thought I was going to die. That’s when I totally leaned on Him and I said, ‘Lord, Ikaw na ang bahala.’"

Kung halimbawa ay malalaman niyang may ilang oras na lamang siya sa mundo, ano ang gagawin niya?

Una raw pupuntahan ni Kuya Kim ang asawa niyang si Felicia Atienza at mga anak.

Aniya, "Pupunta ako sa misis ko, kakausapin ko at yayakapin ko. Sasabihin ko mahal ko siya.

"Kakausapin ko lahat ng anak ko na nasa Amerika, sasabihin ko kung gaano ko sila kamahal. Pupuntahan ko ang mga magulang ko.

"Lahat ng taong puwede kong sabihan na mahal na mahal ko sila, sasabihin ko lahat. At kung may atraso pa ako kung kanino man."

2023-04-01T16:07:54Z dg43tfdfdgfd