PRISCILLA MEIRELLES ON MARITAL PROBLEMS WITH JOHN ESTRADA: "DON'T TAKE ME FOR A FOOL BECAUSE I AM NOT."

Palaban ang pinakawalang pahayag ni Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles, 39, kaugnay ng marital problem nila ng mister at aktor na si John Estrada, 49.

Sunud-sunod ang makahulugang Instagram posts ng Brazilian model at beauty queen recently sa kanyang Instagram account tungkol sa mga babaeng nanlalandi ng mga lalaking may asawa. 

May ginawa pang Instagram poll si Priscilla kung ano ang tawag sa "female that entertains a married man."

Tinipon at inilista ni Priscilla ang mga sagot ng netizens, kabilang na rito ang mga sumusunod: "malandi, anaconda, linta, makati, home wrecker, putaching." 

Lahat ng ito ay tumutukoy sa kabit o other woman. 

Naintriga ang netizens ukol sa "cryptic" posts ni Priscilla.

Pero diretsang sinabi ni Priscilla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi "cryptic" ang kanyang posts, indikasyong may kinalaman nga sa third party ang problema nila ngayon ni John.

Kinumpirma rin ni Priscilla na may pinagdadaanan ang pagsasama nila ngayon ni John.

Read: Priscilla Meirelles confirms marital problems with John Estrada: "Napuno na ako."

Iniuugnay ngayon si John sa isang female "influencer" at "blogger" mula sa Cebu na nagngangalang Chiyo dela Vega.

Sa mensahe ni Priscilla sa PEP.ph nitong March 31, 2023, ipinapahiwatig niyang hindi siya tanga kung anuman ang hinaharap nilang mag-asawa. 

Sabi niya: "Being 39 years of age, and having been married for 12 years, please don’t take me for a fool because I am not.

"I know exactly what I am dealing with and I am dealing with it the best way I can."

Paglilinaw pa niya: "I don’t understand why people are saying my posts are cryptic. The way I see it, I was very direct to the point."

Ani Priscilla, responsable siya sa paggamit ng social media at alam niya kung ano ang kanyang ipinu-post, kahit aminadong may pinagdadaanan siya. 

"I strongly believe in the things I post and share on my social media accounts. I use my social media accounts to connect with family and friends and to share my beliefs.

"After all, everyone you meet is fighting a battle you know nothing about and I am no exception.

"I hope everyone understands who the real victims are," ani Priscilla na nais ipahiwatig na kung sino ba talaga ang agrabyado ngayong may pinagdaraanan ang kanyang married life. 

PRISCILLA STILL TRYING TO KEEP HER COMPoSURE

Sa mensahe niya sa PEP.ph, binanggit ni Priscilla na "My data privacy was violated and I will need to deal with that too soon.

"My name has been dragged to issues I don’t belong to because of misinformation."

Gayunpaman, hindi idinetalye ng model-actress kung paano nadawit ang kanyang pangalan sa misinformation.

May makahulugan pang mensahe si Priscilla tungkol sa nali-link sa kanyang asawa.

Sabi nito: "I have seen the name ‘blogger’ and ‘influencer’ to be associated with The World’s Oldest Profession and I’m still keeping my composure."

Hindi na nag-elaborate si Priscilla, subalit may mga akusasyon ukol sa reputasyon ng "influencer" na iniuugnay ngayon kay John.

Sinisikap daw ni Priscilla na huwag magpadala sa bigat ng kinahaharap na problema ng kanyang married life kahit mahirap.

"Being kind is a daily challenge I try my best to meet but I must confess it’s very hard especially when you know so much and can name them all."

Kinumpirma ni Priscilla na matagal-tagal nang may problema ang pagsasama nila ni John. 

Pero hindi raw sa lahat ng pagkakataon ay tatanggapin na lang niya ang mga pangyayari at mananahimik sa isang sulok.

"I was young once, naive and even innocent to a fault. Well, I grow up. What cannot break you, makes your stronger they say."

Paalala pa ni Priscilla: "In the meantime, I can just hope and pray that if you cannot understand or empathize, Please don’t judge."

Sa ngayon, patuloy raw na idadaan ni Priscilla sa social media ang kanyang mga paniniwala pero magiging responsable pa rin, ukol man ito sa kanyang mga problema na nilalagyan na lang niya ng humor para makagaan sa dinadala niya. 

Sabi niya, "I will continue to responsibly share anything I feel like and I believe to be important in my social media accounts as I always have done.

"Talking about topics that matter with a bit of humor is important. If you don’t get it off your chest, you will never learn to breathe!"

Sa kasalukuyan ay nananatiling tahimik si John ukol sa isyu. 

Bukas ang PEP.ph sa panig ng lahat ng taong sangkot sa isyu. 

2023-04-01T12:07:49Z dg43tfdfdgfd